^

Bansa

Pagrebyu sa Oil Deregulation Law suportado

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sang-ayon ang ACT CIS Partylist na rebyuhin na ng kongreso ang Oil Deregulation Law matapos hingin ni Pangulong Duterte na pag-aralan muli ang nasabing batas matapos ang patuloy na pagsirit ng presyo ng petrolyo.

Ang Oil Deregulation Law na ipinatupad noong panahon ni dating Pangulong Ramos, ay nagtatanggal sa kontrol ng gobyerno pagdating sa presyuhan ng petrolyo ng mga kumpanya ng langis.

Ayon kay ACT CIS Nominee Edvic Yap, panahon na siguro na muling pag-aralan natin kung nakakatulong pa ba ang batas na ito sa tao o pabigat na sa kanila.

“Dati-rati kasi pwede diktahan ng gobyerno ang mga oil companies na wag munang magtaas ng presyo para na rin sa kapakanan ng taongbayan,” ani Yap.

Dagdag pa niya, ngayon daw walang magawa ang gobyerno kapag sinabi ng mga kumpanya ng langis na magtataas sila ng presyo.

“Parang hindi maka-motorista ang batas na ito na kailangan na sigurong pag-aralan kung ibasura at palitan na,” ayon kay Yap.

ACT

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with