^

Bansa

Ngayong Women's Month: Robredo nabahala sa 'pambabastos' ng trolls sa mga anak niyang babae

Philstar.com
Ngayong Women's Month: Robredo nabahala sa 'pambabastos' ng trolls sa mga anak niyang babae
Philippine Vice President Leni Robredo (C) poses with her daughters Aika (L) and Tricia (R) after filing her candidacy to join the 2022 presidential race, at Sofitel Harbor Garden Tent in Pasay, Metro Manila on October 7, 2021.
AFP/POOL/Ezra Acayan

MANILA, Philippines — Bagama't kadalasa'y hindi pinapansin ni 2022 presidential candidate at Bise Presidente Leni Robredo ang mga batikos ngayong kampanya, aminado siyang "bothered" siya lalo na't nababastos ngayon ang kanyang mga anak sa paglarga ng kanyang kandidatura.

Kalimita'y kasama ni Robredo sa kampanya at mga presidential debates ang kanyang mga anak na babae na sina Aika, Tricia at Jillian, na ipinagtatanggol siya tuwing kailangan. Sa kabila nito, ikinikibit-balikat lang ng mga anak niya tuwing masasabihan siya ng "estupido" o "lutang."

"Alam naman nila na hindi totoo iyong mga kung ano-anong sinasabi... Sabi ko nga luging-lugi sa amin 'yong trolls kasi hindi namin sila pinapansin," wika niya, Huwebes, sa  Pinamalayan, Oriental Mindoro radio station na Radyo Natin 105.3.

"Minsan... nababastos dahil mga babae 'yung mga anak ko. Naba-bother ako noon. Pero 'yung pagka-bother ko, mas nagi-guilty ako kasi dahil sa akin nalalagay sila sa ganung posisyon. Pero sila mismo, hindi nila pinapansin."

Sinabi niya ito isang araw pa lang matapos ang pagdiriwang ng Women's Month sa Sampaloc, Maynila — balwarte ng kapwa presidentiable na si Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso — kung saan nagkaroon ng flash mob na nananawagan laban sa karahasan laban sa mga kababaihan.

Si Robredo ang nag-iisang babaeng kandidato sa pagkapangulo sa Mayo. Dati nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na "hindi fit maging presidente ang mga babae," dahilan para kundenahin ito ni VP Leni.

Dati nang nababatikos si Duterte, na madalas makabanggaan ni Robredo sa isyu ng human rights, dahil sa ilang misogynist statements, gaya na lang ng utos nia noon sa mga sundalo na "barilin sa puke" ang mga babaeng miyembro ng New People's Army.

Nananatili si Robredo sa ikalawang pwesto sa inilunsad na pre-election surveys ng Pulse Asia nitong Enero 2022, kung saan nananatiling nasa numero unong pwesto ang anak ng diktador at dating Sen. Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.  — James Relativo

2022 NATIONAL ELECTIONS

HARASSMENT

LENI ROBREDO

TRICIA ROBREDO

VIOLENCE AGAINST WOMEN

WOMEN'S MONTH

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user