^

Bansa

Duterte pinarerebyu ang Oil Deregulation Law

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Duterte pinarerebyu ang Oil Deregulation Law
Ayon kay acting presidential spokesperson Karlo Nograles, kabilang ang nasabing batas sa medium-term measures na napagkasunduan na i-review sa ginawang special meeting ni Pangulong Duterte sa matataas na opisyal ng gobyerno.
Alber Alcain / Presidential Photo

MANILA, Philippines — Sa gitna ng lingguhang pagtaas ng presyo ng ­langis dahil sa sitwasyon sa Ukraine, hiniling kahapon ng Malacañang sa Kongreso na rebyuhin ang Oil Deregulation Law.

Ayon kay acting presidential spokesperson Karlo Nograles, kabilang ang nasabing batas sa medium-term measures na napagkasunduan na i-review sa ginawang special meeting ni Pangulong Duterte sa matataas na opisyal ng gobyerno.

“For the medium term, we call on Congress to review the oil deregulation law, particularly provisions on unbundling the price and the inclusion of the minimum inventory requirements in the law, as well as giving the government intervention powers or authority to intervene when there is a spike and/or prolonged increase in prices of oil products,” ani Nograles.

Matatandaan na tinanggal sa nasabing batas ang kontrol ng gobyerno sa mga kompanya ng langis upang mas magkaroon ng kompetisyon at mapababa ang presyo ng mga produktong petrolyo.

Bagaman at nakabakasyon ang Kongreso at sa Mayo pa muling magbabalik ang sesyon maaari pa rin itong magbukas para sa special session kung ipapatawag ng Pangulo.

Sinabi rin ni Nograles na inaprubahan ni Duterte ang rekomen­dasyon ng kanyang economic team na palakasin ang lokal na ekonomiya, ma-stabilize ang presyo ng pagkain, makapamahagi ng mga fuel discount vouchers para sa mga magsasaka at mangi­ngisda.

Tiniyak ng Pangulo na may gagawin ang gobyerno bilang tugon sa kaguluhan sa Ukraine na tiyak na makakaapekto sa bansa.

vuukle comment

OIL

PRESIDENT DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with