^

Bansa

De Lima dismayado, hindi pinayagan mangampanya sa Comelec e-rally

Philstar.com
De Lima dismayado, hindi pinayagan mangampanya sa Comelec e-rally
Sen. Leila de Lima has been detained since February 24, 2017 for allegedly having a hand in the proliferation of drug trade in the New Bilibid Prison during her stint as justice chief.
The STAR / Miguel de Guzman, File

MANILA, Philippines — Ikinalungkot ni Sen. Leila de Lima ang pagharang ng Muntinlupa City Regional Trial Court Branch 204 sa kanyang "very urgent motion" na mapayagan siyang lumahok sa e-rally ng Commission on Elections (Comelec) noong Sabado.

Nakatakda sanang ilahad ni De Lima — na limang taon nang nakakulong — ang kanyang plataporma sa pagkasenador sa 2022 nitong ika-26 ng Pebrero, ngunit pinagkaitan ng karapatang ibahagi ito sa publiko.

"I wasn’t asking for special treatment, hence, did not ask for permission to leave the premises of the PNP Custodial Center. Still, the court junked my motion to allow participation in COMELEC’s e-rally through videoconferencing," ayon sa opposition senator, Lunes.

"Given my situation, I just wanted to avail of this opportunity to freely communicate my platform to the Filipino electorate."

Ika-22 pa nang Pebrero nang ihain ni De Lima ang kanyang request sa korte na makasama sa virtual campaigning mula 6 p.m. hanggang 9 p.m. noong araw na 'yun, bagay na inorganisa ng poll body.

Ika-25 ng Pebrero nang i-deny ng Muntinlupa RTC ang mosyon ng senadora dahil sa kanyang pagkakakulong pa rin sa drug-related charges. Dahil dito, hindi raw siya mapipigian ng parehong pagtrato sa ibang mga kandidato.

Disyembre lang nang pumalag ang Department of Justice (DOJ) na makapag-shoot si Leila, na kilalang kritiko ng human rights record ni Pangulong Rodrigo Duterte, ng campaign materials habang nakapiit sa presuhan.

"As a bona fide and serious candidate, I just want to avail of every reasonable and lawful means under prevailing election laws and COMELEC rules and regulations to promote my re-election bid, as to compensate for my physical handicaps as a Person Deprived of Liberty (PDL)," dagdag pa niya.

"I therefore don’t understand the further curtailment of my rights."

Dagdag pa niya, parte ang e-rally ng "Comelec space and time" sa ilalim ng Republic Act 9006.

Ang Comelec e-rallies ay nila-live stream gabi-gabi para sa mga kandidatong tumatakbo para sa national posts sa pamamagitan ng Campaign S • A • F • E • COMELEC e-Rally Channel sa Facebook at opisyal na YouTube account ng komisyon.

Una nang napawalang-sala si De Lima sa isa sa tatlong kasong isinampa laban sa kanya, kaugnay ng "pagtanggap" niya diumano ng pera mula sa kalakalan ng droga sa loob ng new Bilibid Prison noong siya'y kalihim pa ng DOJ.

Una nang nanawagan ang Human Rights Watch sa mga 2022 presidential candidates na i-drop ang mga kaso laban sa senadora, na siyang idinidiin lang daw ni Digong sa gawa-gawang kaso. — James Relativo

2022 NATIONAL ELECTIONS

COMMISSION ON ELECTIONS

LEILA DE LIMA

MUNTINLUPA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with