^

Bansa

F2F classes ng mga bata pinababantayan vs COVID-19

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mahigpit na pinababantayan ng ACT CIS Partylist sa Department of Education (DepEd) ang muling pagbabalik ng mga mag-aaral sa klase, lalo na sa elementarya.

Ayon kay ACT CIS Nominee Edvic Yap, hindi dapat na maging kampante ang DepEd at tiyakin ang kaligtasan ng mga estudyante laban sa COVID-19.

Si Edvic ay nakatatandang kapatid ni Cong. Eric Yap ay nagsabi pang, marapat na tiyakin ng DepEd na bakunado na ang lahat ng guro na magtuturo sa mga estudyante at maging ang mga bata sa pagbabalik ng face to face class.

Pahayag pa ni Yap, “dapat ipaalala pa rin, lalo na sa mga bata ang palagiang pagsusuot ng mask, pag­huhugas ng kamay  at social distancing”.

Aniya, kahit na bakunado, maaari pa rin mahawa ang isang tao ng Covid-19.

Matatandaang nitong Pebrero ay ipinag-utos ng DepEd na balik limited face-to-face na ang mga mag-aaral sa mga lugar na nasa Alert Level 2.

ACT

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with