^

Bansa

Kagutuman, seguridad sa pagkain layunin ng ‘Byahe ni Kiko’ sa kampanya

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inihayag ni Vice-presidential aspirant Francis “Kiko” Pangilinan na isa sa mga layunin ng Byahe ni Kiko (BNK) ay bigyang linaw ang mga isyu ng kagutuman at seguridad sa pagkain, lalo na ngayong puspusan na ang pambansang kampanya.

Sa panayam sa Love Radio 95.1 nitong Huwebes sa Baguio City, ibinahagi ng mambabatas na bilang tagapagtaguyod para sa agrikultura at seguridad sa pagkain, dadalhin niya ang mga isyung ito sa mga debate at forum.

“Mahalagang dalhin sa pambansang debate ang paggamit ng pagkain, agrikultura, pagsasaka at seguridad sa pagkain. Narito tayo para [sa] ating Byahe ni Kiko. Magkakaroon..ng dialogue at pakikipag-kapwa sa mga vegetable farmers dito sa Baguio para malaman natin mismo sa kanila ang mga problemang kinakaharap nila bilang komunidad,” ani Pangilinan.

Nauna nang nangako si Pangilinan, kasama ang kanyang running-mate presidential aspirant na si Leni Robredo, na sakaling mahalal sila, dodoblehin nila ang budget ng Department of Agriculture.

Ngunit higit sa pagdoble sa budget ng DA, naniniwala si Pangilinan na susi ang tamang pagpapatupad ng batas.

FRANCIS PANGILINAN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with