^

Bansa

Benepisyo sa ‘hybrid work model’ pinatitiyak

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dapat tiyakin na makakatanggap ng tamang benepisyo at allowances ang mga Pinoy na pipiliing magtrabaho sa ilalim ng hybrid work model o magkahalong trabaho sa bahay at sa opisina.

Ito ang ipinahayag ni UniTeam senatorial candidate Jinggoy Estrada sa gitna ng dumaraming Pinoy na pumipili umano nang work-from-home set up dahil sa takot sa COVID-19 at hirap nang pagbiyahe patungo at pauwi mula trabaho.

“Kapag pinili ng isang empleyado na magtrabaho sa bahay, dapat tiyakin ng employers na maibibigay pa rin sa kanila ang karampatang benepisyo at allowances. Bukod sa nagagawa naman nila ang kanilang tungkulin, nakakatipid din ang mga kumpanya sa kuryente, tubig at maging renta sa opisina,” paliwanag ng dating senador.

Ani Jinggoy, nakakabahala ang napabalitang pagtaas ng bilang ng mga Pinoy na nagbibitiw sa trabaho sa gitna ng pandemya.

Ayon sa dating chairman ng Senate labor committee, dahil sa COVID-19 pandemic, dumami ang pumili ng hybrid work model dahil sa paningin ng mga empleyado ay mas ligtas sila habang sa bahay nagtatrabaho dahil makakaiwas sila sa posibleng hawaan sa pampublikong sasakyan at sa loob ng tanggapan.

“Ngunit hindi nanga­ngahulugan na dahil naka work-from-home ang isang empleyado ay maaari nang bawasan ang kanyang suweldo o benepisyo,” diin niya.

WORK

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with