^

Bansa

Mga Pinoy pagkakaisahin ng BBM-Sara

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinimulan kahapon ng tambalan nina dating Se­nator Ferdinand Marcos Jr. At Davao City Mayor Sara Duterte ang proclamation rally sa Philippine Arena sa Bulacan.

Tinawag na ‘UniTeam’ ang kampanya nina Marcos at Duterte na isinusulong ang pagkakaisa ng bansa.

Sa kanyang talum­pati sinabi ni Marcos na magandang halimbawa ang tambalan ng Marcos-Duterte.

“Kung ang isang taga-Norte at ang isang taga-Mindanao na mag­kabilang-dako ay kayang magsama at magkaisa, sa aking palagay naman, kaya nating ipagkaisa ang buong Pilipinas,” ani Marcos.

“Ang hanap lang natin ay disenteng buhay para sa ating bansa. Sa pagi-ikot namin, nakita namin na mainit ang pagtanggap ng taumbayan sa mensahe ng pagkakaisa. Kailangan nating ibalik ang ugaling pagmamahal, bayanihan,” dagdag ni Marcos.

Sinabi naman ni Duterte na ang plataporma nila ni Marcos ay trabaho at hanapbuhay para sa karamihan, kalidad na edukasyon para sa mga kabataan, at mapayapang pamumuhay.

Ayon kay Duterte, pinili niya si Marcos bilang running mate dahil naniniwala siya sa kakayahan niya na mamuno bilang pangulo.

BBM

SARA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with