^

Bansa

'Tagumpay': DOH ibinida unang araw ng COVID-19 vaccination sa edad 5-11

James Relativo - Philstar.com
'Tagumpay': DOH ibinida unang araw ng COVID-19 vaccination sa edad 5-11
Performers dressed as superhero characters pose with a child receiving the Pfizer-BioNtech Covid-19 vaccine for children aged 5-11 at a gym in San Juan City, suburban Manila on February 7, 2022.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Ipinagmalaki at tinawag na malaking tagumpay ng Department of Health ang pagsisimula ng COVID-19 vaccination ng Pilipinas sa mga batang edad lima hanggang 11 taong gulang, bagay na rumatsada nitong Lunes.

Matatandaang maraming pakulo ang iba't ibang local government units sa Metro Manila para maengganyo ang mga chikiting magpaturok kahapon. Ilan na riyan ang mga temang children's party, libreng chocolate, candy, atbp. maliban pa sa pagtatayo ng vaccination center sa mga zoo.

"We have a total of 9,784 children five to 11-years-old that were already inoculated or given the vaccine kahapon ano," wika ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Martes.

"So nakita natin naging maganda talaga 'yung turnout. And you know what, ang ating vaccination sites... officials, local governments, private sector really prepared kasi mga bata ito eh... Lahat po ng kailangan nating mga gimmicks, ginawa rin po."

Giit ng DOH, mahusay raw ang naturang mga estilo para hindi matakot ang mga bata sa ineksyon lalo na't wala raw ganoong nag-iiyak sa mga bakunahan kahapon.

Ilan sa mga vaccination sites ay punung-puno ng mga dekorasyong pambata, mga lobo, atbp. na dahilan kung bakit naging kumportable raw ang mga paslit.

"Lahat po ng ganito ay nakita natin and it worked well... One measure of success, hindi talaga 'yung bilang eh pero 'yung tiwala na ibinigay ng mga magulang," dagdag pa ni Vergeire sa mga reporters.

Nakakatuwa rin daw makitang gumaan ang loob ng ilang magulang na makitang makasama ang mga bulilit sa bilang ng mga makakatanggap na ng proteksyon mula sa COVID-19, na humawa na sa 3.61 milyon at pumatay sa 54,538 sa Pilipinas.

Pedicatric vaccination sa ibang bansa

Aabot na sa 2 milyong bata edad lima hanggang 11 ang natuturukan ng hindi bababa sa isang dose ng COVID-19 vaccine sa Cananda, habang nasa 100,000 naman ito sa Singapore.

Ayon naman sa DOH, nasa isa sa limang bata edad lima hanggang 11 (8 milyon) ang nabibigyan ng naturang gamot sa Estados Unidos sa ngayon.

Sa 8.7 milyong bata na nabakunahan mula sa nasabing age group sa buong mundo, 97.5% ang hindi nagpakita ng reaksyon, 2.4% lang ang nagpakita ng mild reactions habang 0.00013% lang ang nagkaroon ng myocardities o pericarditis.

Mga hamong dapat pangibabawan

"Marami pang challenges... especially operationally, lalung-lalo na ie-expand na natin ito sa ibang lugar sa bansa," paliwanag pa ni Vergeire kanina.

"Alam po natin na ang resources sa ibang lugar, hindi katulad ng resources natin dito [Sa Metro Manila]. But we will try our best to have this kind of set up din sa ibang lugar para ang ating mga kabataan din ay mabigyan ng ganitong opportunity."

Ilan din daw sa mga kinakaharap pa ring kahirapan ang tagal ng mga bata sa post-monitoring vaccination.

Sa mahigit 9,000 batang nabakunahan kahapon, isa lang ang naiulat sa ngayon na mild/non-serious reaction. 

Target ng Pilipinas ang nasa 15.56 milyong bata mula sa naturang age group na mabakunahan, habang nasa 500,000 kabataan na mula sa apat na rehiyon ang nairehistro na simula pa noong ika-7 ng Pebrero.

Sa 9.2 milyong Pilipinong edad 12-17 na nabakunahan na, sinasabing wala pa ring patay na naiuulat sa ngayon bilang reaksyon sa gamot.

CHILDREN

COVID-19 VACCINES

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with