^

Bansa

Nagbebenta ng fake vax exemption cards, arestuhin

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanawagan ang ACT as One Party-list sa pulisya at health officials na agad arestuhin at kasuhan ang mga nagbebenta ng pekeng vaccine exemption cards.

“Ang pagbebenta ng pekeng vaccine exemption cards ay ‘di lamang pagsasamantala sa mga naghihikahos na Filipino sa gitna ng pandemya, ito rin ay matinding banta sa kalusugan at kapakanan ng taumbayan,” diin ni ACT as One second nominee Marcelino Arias.

Kinastigo ng grupo ang masasamang taong nasa likod ng scam dahil umano sa pagpapakalat ng mali at mapanlinlang na impormasyon na naglalagay sa panganib sa buhay ng maraming Pilipino. Pinapahirap din nila ang trabaho ng ating gobyernong kumbinsihin ang maraming Pilipino para magpabakuna.

Una rito, nagbabala ang Department of Interior and Local Government (DILG) laban sa kumakalat na pekeng vaccine exemption cards na umano’y magbibigay ng exemption sa may hawak nito upang makaiwas sa stay-at-home orders ng mga doctor at maging pagsakay sa mga pampublikong sasakyan.

Ang ACT As One ay isang party-list group na nagsusulong ng public health at social justice. Sa kasagsagan ng pandemya noong 2020 tumulong ang grupo upang mapunan ang matinding kakulangan ng suporta sa mga ospital.

ACT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with