^

Bansa

Kandidatura ni Chiz, suportado ng LGUs sa CALABARZON, Eastern Samar

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Kandidatura ni Chiz, suportado ng LGUs sa CALABARZON, Eastern Samar
File photo shows Sorsogon Gov. Chiz Escudero.
Chiz Escudero / Facebook

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng pagsuporta ang mga alkaldeng kabilang sa League of Municipalities of the Philippines (LMP) sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, at Quezon) at Eastern Samar para sa kandidatura ni Sorsogon Gov. Chiz Escudero sa Senado ngayong Halalan 2022.

Mismong ang mga chapter president na sina San Jose Mayor Valentino Patron, LMP-Batangas; Pila Mayor Edgardo Ramos, LMP-Laguna; Tiaong Mayor Ramon Preza, LMP-Quezon; at Balangkayan Mayor Allan Contado, LMP-Eastern Samar ang nagpaabot kay Escudero ng pagsuporta ng lahat ng kasamahan nila na mga pinuno ng pamahalaang lokal sa isang pulong kamakailan sa Sorsogon.

Mayroong lampas limang milyong boto ang mga munisipalidad sa Batangas, Laguna, Quezon, at Eastern Samar.

Sa numero mula sa Commission on Elections base sa 2019 midterm elections, makikita na ang Laguna ay mayroong 1.9 milyong botante sa 24 munisipalidad at anim na siyudad nito; sunod ang Batangas na mayroong 1.7 milyon sa 30 bayan and apat na lungsod nito. Sa kabilang banda, ang Quezon ay mayroong 1.28 milyong rehistradong botante sa 39 munisipalidad at dalawang siyudad nito; habang ang Eastern Samar naman ay mayroong 338,718 botante sa 22 bayan at isang lungsod nito.

Nauna nang inendorso ang kandidatura ni Escudero sa Senado ng mga tambalan nina Vice Pres. Leni Robredo at Sen. Francis Pangilinan; Sen. Ping Lacson at Senate Pres. Tito Sotto; at Sen. Manny Pacquiao at Rep. Lito Atienza.

Si Escudero, na palaging nangunguna sa mga pre-election survey ng mga independent polling firm, ay naglingkod ng dalawang buong termino sa Senado bago naging gobernador ng Sorsogon. Bago maging isang senador, siya ay kinatawan ng Sorsogon sa Kamara.

LMP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with