^

Bansa

'Pwede ba ito?': Marcos bukas i-appoint ang asawa, mga kamag-anak sa Gabinete

James Relativo - Philstar.com
'Pwede ba ito?': Marcos bukas i-appoint ang asawa, mga kamag-anak sa Gabinete
Former Philippine senator Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr, son of former dictator Ferdinand Marcos, waves at supporters after filing his candidacy for the country's 2022 presidential race, at Sofitel Harbor Garden Tent in Pasay on October 6, 2021.
AFP/Jam Sta. Rosa, File

MANILA, Philippines — Kung papalaring manalo sa pagkapangulo sa 2022, hindi sinasarhan ni dating Sen. Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang posibilidad ng pagtatalaga ng sariling kadugo sa gobyerno — basta ba't sila raw ang pinakamahusay sa isang larangan.

Ito ang ibinahagi ni Bongbong sa isang panayam ng DZRH, Martes, habang nasa kanilang "Bakit Ikaw?" presidential job interview.

"Kung sila ba'y ang pinakamagaling sa kanilang field, oo [magtatalaga ako ng kapamilya ko]," sagot niya nang tanungin kung maglalagay siya ng kamag-anak sa Gabinete kung magwagi sa 2022.

"Basta the criteria that we should follow, kung sino ang pinakamagaling na handang tumulong at handang magtrabaho, 'yan ang ating ilalagay."

Dati nang natawag na "conjugal dictatorship" ang pamumuno noon ng ama ni Bongbong na si dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Pilipinas kasama ng noo'y first lady na si Imelda.

Biro pa ni Bongbong, na anak ng yumaong diktador, bukas siyang italaga ang sariling asawang si Liza Araneta-Marcos sa gobyerno. Pero sa sobrang daming mahuhusay daw na Pilipino, posibleng hindi naman daw niya ito gawin.

"Kung siya [Liza] ang pinakamagaling doon sa area na 'yon, tungkol diyan sa subject na 'yan [o] kung anuman... siya ang pinakanakakaintindi, eh kagaya ng sabi ko eh pipiliin lang natin 'yung pinakamagaling," dagdag pa ni Bongbong.

"Hindi ko gagawin dahil asawa ko [siya]. Gagawin ko dahil may kakayahan siya. I'm sure it will be controversial, but again we have to find the best."

Sa kabila ng lahat ng ito, ibubukas din daw ni Marcos ang pwesto sa administrasyon kahit sa mga kalaban ng kanyang partidong Partido Federal ng Pilipinas basta't mahusay magtrabaho't nais tumulong sa Pilipinas.

Bawal sa 1987 Constitution

Pero ligal naman kaya 'yan? Kung pwesto sa Gabinete, actually hindi.

Ayon sa Article VII, Section 13 ng 1987 Constitution, bawal i-appoint sa Gabinete, ilang mga komisyon at government-owned or controlled corporations (GOCCs) ang ilang malalapit na kadugo ng presidente:

The spouse and relatives by consanguinity or affinity within the fourth civil degree of the President shall not, during his tenure, be appointed as Members of the Constitutional Commissions, or the Office of the Ombudsman, or as Secretaries, Undersecretaries, chairmen or heads of bureaus or offices, including government-owned or controlled corporations and their subsidiaries.

Tumutukoy ang fourth civil degree of consanguinity sa mga kamag-anak mula sa pinakamalapit hanggang sa mga pinsan, cousin-in-law, atbp.

Isyu ang pagtatalaga ng mga kamag-anak sa gobyerno dahil sa isyu ng "nepotismo" (paglalagay ng kamag-anak, kaibigan, atbp. sa ilang trabaho), dahilan para ipagbawal din ang gawi ng Civil Service Commission.

Pamilya Marcos sa administrasyong Marcos

Bilang misis ni Ferdinand Marcos noong siya'y nabubuhay pa, itinalaga niya si Imelda (ina ni Bongbong) bilang unang gubernador ng Metro Manila noong ika-27 ng Pebrero 1975.

Unang naging chair ng Kabataang Barangay, na itinayo ng yumaong diktador, ang anak na si Sen. Imee Marcos. Itinayo ang KB noong 1975.

Bukod pa rito, tumayo rin bilang director general ng Experimental Cinema of the Philippines si Imee noong Dekada '80.

Matatandaang in-appoint ni "Macoy" si Bongbong bilang chairman of the board ng Philippine Communications Satellite Corp (Philcomsat) noong 1985.

1987 CONSTITUTION

2022 NATIONAL ELECTIONS

BONGBONG MARCOS

CABINET

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user