Supporters ng ibang kandidato naglipatan na kay Robredo
MANILA, Philippines — Pumanig na kay Vice President Leni Robredo ang maraming supporters ng ibang kandidato matapos ang magandang ipinakita nito sa “The Jessica Soho Presidential Interviews”.
Iprinisinta ni Robredo ang kanyang posisyon sa iba’t ibang isyu, gaya ng pandemya, pagbangon ng ekonomiya, peace and order, kahirapan at iba pa.
Dahil sa malinaw na direksiyon ni Robredo, nagpasya ang mga tagasuporta ng iba pang presidential candidates na piliin siya bilang pambato sa darating na eleksiyon sa Mayo.
“Omg my DDS and Marcos Apologist Dad said he’ll vote for Leni dahil sa mga sagot nya kanina, he also said that BBM disappointed him for refusing to participate HAHAHA,” wika ni Twitter user @RicsMillan.
“My solid BBM cousins in the north are now Leni lovers real quick! I needed to confirm pa ksi I kennat bilibid! Napabilib sila kay ma’am @lenirobredo. Legit, madaming sumakabilang-bakod overnight!,” tweet ni @JellyBee77_MD.
“Mama— told me she’s voting for Isko. Di ko na ‘yan kinulit; like, bahala siya. But today, she chanted Leni, Leni, Leni kami while VP Leni is answering Jessica Soho’s questions. It was a good day, afterall, thank you, God,” sabi naman ni @charmainedoble.
Pinuri rin ng netizens at celebrities ang performance ni Robredo sa panayam, partikular na ang kanyang pagiging kalmado sa pagsagot sa mga tanong ni Soho.
- Latest