^

Bansa

‘Stealth Omicron’ wala pa sa Pinas - DOH

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinawi ng Department of Health (DOH) ang pa­ngamba sa ‘sub-lineage’ ng Omicron variant na tinatawag na ‘Stealth Omicron’ na tiniyak ng ahensya na hindi pa natutukoy sa Pilipinas.

“Hanggang sa ngayon naman po wala po tayong nade-detect na ganitong BA.2 sa ating bansa,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ukol sa Stealth Omicron na nadiskubre isang linggo matapos na matukoy ang orihinal na Omicron variant.

Sinabi ni Vergeire na wala naman umanong masyadong pagkakaiba ang Stealth Omicron sa orihinal na Omicron variant pagdating sa paglala ng sakit ng isang pasyente na dadapuan nito. 

Ngunit patuloy pa rin naman ang World Health Organization (WHO) at ibang mga eksperto sa pag-aaral sa naturang sub-lineage.

Tiniyak rin naman ng opisyal na may kapasidad ang DOH na matukoy kung nasa bansa na ang Stealth Omicron.

Kasalukuyang nasa ilalim ng ‘variant under investigation’ ng United Kingdom Health Security Agency (UKHSA) ang BA.2. Sa kanilang inisyal na pagsusuri, maaari umanong mas mataas ang ‘growth rate’ ng sub-lineage na ito kumpara sa orihinal na Omicron lineage.

 

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with