^

Bansa

Lahat ng opsyon sa pagkakaroon ng seguridad sa enerhiya, gamitin

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pabor umano si senatorial aspirant at Sorsogon Gov. Chiz Escudero sa paggamit ng lahat ng posibleng opsyon sa pagpapaunlad ng plano para sa enerhiya upang masiguro na magkakaroon ang bansa ng pangmatagalang suplay ng naaangkop, ligtas, at abot-kayang kuryente.

Sa isang senatorial forum noong Linggo, sinabi ni Escudero na dapat hanapin, pag-aralan, at gamitin ang lahat ng maaaring panggagalingan ng kuryente, kabilang ang nuclear energy, upang makamit ang seguridad sa enerhiya nang hindi binabalewala ang kaligtasan ng publiko at hindi na makadaragdag pa sa mga pasanin ng mga mamamayan.

“Neutral ako sa teknolohiya. Technology neutral pero ang importante lamang na ligtas ito, kayang bayaran ng sambayanang Pilipino, at makakatugon sa problema, sa krisis, enerhiya ng ating bansa,” pagbibigay-diin ni Escudero nang tanungin kung pabor ba siya sa pagbuhay sa Bataan Nuclear Power Plant (BNPP).

Subalit sinabi ng beteranong mambabatas na ang paggamit ng nuclear energy ay hindi lamang dapat matali sa BNPP at maaaring tingnan ang ibang pagpipi­lian, kabilang ang pagtatayo ng isang bagong pasilidad kung ito’y ligtas at pabor sa kapakinabangan ng mga Pilipino.

Sa napipintong muling pagbubukas ng ekonomiya at pagbabalik na rin ng iba pang sektor, inaasahan ang lalong pagtaas ng panga­ngailangan para sa elektrisidad at langis kung kaya dapat aniyang paghandaan ito ng susunod na admi­nistrasyon, lalo’t malapit na ring masaid ang balon ng Malampaya gas field.

vuukle comment

CHIZ ESCUDERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with