^

Bansa

Kaso ng COVID-19 sa NCR pumapatag na - DOH

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Kaso ng COVID-19 sa NCR pumapatag na - DOH
Health workers conduct house-to-house antigen testing for residents of West Rembo in Makati City on Tuesday, Jan. 18, 2022. The activity is part of COVID-19 response program of the office of the Vice President Leni Robredo. DOH Epidemiology Bureau director Dr. Alethea de Guzman, said 15 areas in Metro Manila already have cases of the highly transmissible Omicron coronavirus variant
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nagkakaroon na ng pagpatag ang mga kaso ng COVID-19 sa Natio­nal Capital Region (NCR) ngunit maaaring dulot umano ito ng hindi pagpapasailalim sa tes­ting ng maraming residente na nakakaramdam ng mga sintomas.

“Atin naman po sinasabi na oo bumabagal po ang pagtaas ng mga kaso. Meron po tayong nakikita na parang nagpla-plateau dito sa National Capital Region,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na marami sa mga taga-Metro Manila ang nagsasarili na lamang ng ‘antigen test’ habang mas marami ang hindi na nagti-test at nagkukusa na lamang mag-isolate.

Ngunit hindi lamang umano umaasa ang DOH sa mga numero ng kaso bago magdeklara na nagkakaroon na ng pagpatag ng mga kaso.  Kailangan umanong pag-aralan ang ibang mga metriko bago masabi na nagkakaroon na ng pagbaba sa trend nito.

Samantala, inabisuhan din ni Vergeire ang ibang rehiyon sa bansa na maghanda sa posibleng pagtaas pa ng kaso sa kanilang lugar makaraang marami pang maidagdag sa Alert Level 4 at Level 3 ang pamahalaan.

Sinabi ni Vergeire na kailangang mag-ipon na ng mas maraming gamot, ihanda pang lalo ang mga pagamutan, at pataasin pang lalo ang bakunahan para malabanan ang posibleng pagtaas pa ng mga kaso.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with