^

Bansa

Pinoy na ayaw magpabakuna kumokonti - SWS

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Pinoy na ayaw magpabakuna kumokonti - SWS
Mahigpit na ring nagpatupad ng “No vax, No Entry” policy ang Manila City Hall para masiguro na pawang bakunado lamang ang pumapasok sa pasilidad.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Bumaba ang bilang ng mga Filipino na ayaw magpabakuna laban sa COVID-19.

Sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS), walong porsyento na lamang ang ayaw magpabakuna, kung saan pitong porsyento ang nagsabing “will surely not get it” habang isang por­syento ang “will probably not get it”.

Mas mababa ito kum­para sa 18% noong September 2021, 21% noong June 2021, at 33% noong May 2021.

Bumaba ang bilang ng mga Filipino na ayaw magpabakuna sa lahat ng parte ng Pilipinas.

Base pa sa survey, anim na porsyento ng adult Filipinos ang sumagot ng “uncertain” o hindi pa sigurado kung magpapabakuna.

Nasa 50% naman ang nagsabing nakatanggap na sila ng bakuna; 38% ang nakakuha ng dala­wang dose habang 13% ang isang dose pa lamang.

Sa datos naman ng mga hindi pa bakunado, 35% ang nagpahayag na nais makatanggap ng bakuna, kung saan 33% ang sumagot ng “will surely get it” at tatlong porsyento ang “will pro­bably get it”.

Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interview sa 1,440 adults sa buong bansa noong December 12-16, 2021.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagkakasa ng gobyerno ng COVID-19 vaccination drive upang makamit ang population protection sa bansa.

COVID-19 VACCINE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with