^

Bansa

Bakunahan sa terminals, tollways ikinakasa

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Upang mas marami pa ang mabakunahan, balak ng gobyerno na gawin na ring COVID-19 vaccination sites ang mga terminal ng sasakyan at maging mga tollways, ayon kay testing czar Secretary Vivencio “Vince” Dizon.

Sa isang Go Negosyo forum, binanggit ni Dizon na bukod sa mga opisina maaari ring gamitin bilang karagdagang lugar kung saan maaaring magsagawa ng bakunahan ang mga pantalan at mga istasyon at mga lugar na nagkakaroon ng maraming tao katulad ng mga transportation hubs.

Sa Lunes, Enero 24 ay sisimulan na ang “We Vax as One:Mobile Vaccination Drive” kung saan magsasagawa ng bakunahan sa mga transport workers at pasahero sa Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX.

Tatagal ng limang araw ang gagawing pagbabakuna sa PITX mula Enero 24-28.

Nasa 500 AstraZeneca vaccine doses bawat araw ang inilaan para sa programa na bukas sa mga walk-ins at ang registration ay gagawin on sites.

Pinag-iisipan na rin aniyang magsagawa ng pagbabakuna sa mga airports, bus stations, at mga istasyon ng tren upang maprotektahan laban sa COVID-19 ang mga wala pang bakuna.

Ayon kay Dizon, nasa 57 milyon Filipino na ang kumpleto ang bakuna laban sa COVID-19 samantalang nasa 60 milyon ang nakatanggap ng kanilang unang dose.

Nasa 6 milyon naman ang nabigyan na ng kanilang booster shots.

Nauna rito, pitong pharmacies sa National Capital Region ang ginamit ng gobyerno sa paglulunsad ng booster vaccinations.

COVID-19 VACCINE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with