^

Bansa

Pagbabakuna sa mga opisina pinaplantsa

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pagbabakuna sa mga opisina pinaplantsa
Ayon kay Labor Undersecretary Benjo Santos Benavidez, mas mapapadali ang pagbabakuna sa mga empleyado kung gagawin ito sa lugar kung saan sila nagta-trabaho.
Philstar.com / Irish Lising, file

MANILA, Philippines — Matapos simulan ng gobyerno ang pagbibigay ng bakuna sa mga piling pharmacies sa National Capital Region, pinag-aaralan na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga opisina at iba pang lugar ng mga manggagawa.

Ayon kay Labor Undersecretary Benjo Santos Benavidez, mas mapapadali ang pagbabakuna sa mga empleyado kung gagawin ito sa lugar kung saan sila nagta-trabaho.

Sinabi ni Benavidez na nais nilang mas ga­wing accessible ang bakuna para sa mga manggagawa.

Kabilang ang mga manggagawa na wala pang bakuna sa unang naapektuhan ng kautusan na nagbabawal sa kanila na sumakay sa mga pampublikong transportasyon.

Nauna rito, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na dapat exempted ang mga manggagawa na wala pang bakuna sa no vaccine, no ride policy ng gobyerno.

DOLE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with