^

Bansa

Lagundi at VCO nakakatulong sa mild cases ng COVID -19 - DOST

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Lagundi at VCO nakakatulong sa mild cases ng COVID -19 - DOST
Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Undersecretary Rowena Guevarra, nagsagawa sila ng mga clinical trials upang malaman kung ang Lagundi at CVO ay maaaring gamitin bilang herbal medicine.
Philippine Council for Health Research Development

MANILA, Philippines — Maaaring gamitin ang Lagundi at virgin coconut oil para maibsan ang mga sintomas na dulot ng COVID-19.

Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Undersecretary Rowena Guevarra, nagsagawa sila ng mga clinical trials upang malaman kung ang Lagundi at CVO ay maaaring gamitin bilang herbal medicine.

Matatandaan na nagkaubusan ng gamot sa ubo at sa lagnat sa mga botika nang tumaas ang bilang ng may COVID-19 dahil sa Omicron variant.

Sinabi ni Guevarra na naibsan ang sintomas ng mild COVID-19 cases lalo na ang pagkawala ng pang-amoy dahil sa Lagundi.

Base aniya sa pag-aaral nila Dr. Cecilia Maramba-Lazarte ng UP Manila, ang suhestiyon na dosage ng Lagundi ay 600 milligrams para sa adults, 3 beses isang araw na iinumin sa loob ng 10 araw. Mayroon aniyang Lagundi na capsule at syrup sa mga botika.

Base rin aniya sa research ay walang ibang epekto sa katawan ang Lagundi kapag sinunod ang prescribed dosage.

Sa report sa community trials ng DOST-Food at Nutrition Research Institute sa Sta. Rosa, kung saan nilalagay nila ang VCO sa pagkain ng mga participants na mild COVID cases bilang dagdag sa standard na pangangalaga, nabawasan din ang mga sintomas ng mild COVID cases at hindi nagiging severe case. Mas maaga rin aniyang gumagaling ang mga nabigyan ng VCO.

Bukod aniya sa paglalagay ng VCO sa pagkain ay puwede ring inumin ang VCO ng mga mild COVID cases upang maibsan ang mga sintomas.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with