^

Bansa

Bong Go: 72 milyong target maturukan ng booster

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inihayag ni Senator Christopher “Bong” Go na target ng pamahalaan na mabigyan ng booster shots ang higit sa 72 milyong Pilipino sa kalagitnaan ng taon, bukod sa inaasam na mabakunahan na ang nasa 77 milyon nating kababayan, kasama ang kabataang edad 12 hanggang 17 bago ang unang quarter ng 2022.

Sinabi ni Go na ngayong taon ay sisikapin ng gobyerno na pabilisin pa lalo ang vaccination drive kaya muli niyang hinimok ang mga awtoridad na tiyaking napapanahon at mahusay ang pamamahagi ng mga bakuna laban sa COVID-19 sa harap ng banta ng Omicron variant.

Halos 5.4 milyong indibidwal pa lamang ang nakatanggap ng kanilang mga booster shot.

Ang pagpapabakuna, paliwanag ni Go, ay susi sa pagpapanatili ng pagpigil sa pagkalat ng COVID-19. Binigyang-diin niya ang pangangailangang palakasin ang mga pagsusumikap sa pagbabakuna upang mas maraming Pilipino ang ligtas na makabalik sa trabaho at makapag-ambag sa pagbangon ng ekonomiya.

“Matagal na akong umaapela na pabilisin pa lalo na ang pagbabakuna at kung maaari ay dalhin mismo sa bahay ang bakuna ng mga willing maturukan pero hindi kayang pumunta sa vaccination sites. Nagpapasalamat ako sa gobyerno sa pagtugon sa ating apela na padaliin ang proseso ng pagbabakuna,” aniya pa.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with