^

Bansa

Modernong ‘Bicol Express’ bibigyang buhay ng nilagdaang P142 bilyong PNR project

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bibigyang buhay ang isang modernong “Bicol Express” ng kalalagdang kontrata para sa P142 bilyon Philippine National Railways (PNR) project na magpapalawak din sa pang-ekonomiyang hangganan ng Bikolandia, lilikha ng maraming trabaho at pagkakataon para sa mga Pilipino, at magpapababa sa presyo ng mga bilihin sa rehiyon.

Ayon kay Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda na Chairman ng House Ways and Means Committee, ang 380-kilometrong PNR project ay magiging bahagi ng isang ‘multi-modal, inter-modal transport system – air, land, and sea,’ na binalangkas niya nang chairman siya ng Bicol  Bicol Regional Development Council (RDC) sa loob ng siyam na taon bilang gubernador ng Albay hanggang 2016.

Nilagdaan nitong na­karaang Enero 17 ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang kontrata sa PNR project na sasaklaw sa pagitan ng Calamba City at Daraga, Albay.

“Pinakamurang paraan ng pagbiyahe ng kargo ang tren, kaya kung maikukunekta ang biyahe ng PNR sa BIA at mga pantalan sa Bicol, at pati na mga terminal ng bus, sadyang mapapadali ang pagbiyahe ng tao at mga kargamento sa pagitan ng Bicol at saan mang bahagi ng mundo na mahalaga sa ating ‘export industries’ at pagpapababa sa presyo ng mga bilihin gaya ng napansin naming kuneksiyon nito sa mababang ‘inflation,’ dagdag ni Salceda.

PNR

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with