^

Bansa

COVID-19 vaccines ‘di pwedeng ­ipilit sa publiko – Chiz

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinabi ni Sorsogon Gov. Chiz Escudero na dapat palakasin ng ­gobyerno ang kampanya nito sa paghimok sa mga ‘di-bakunadong indibidwal na piliin ang magpaturok ng COVID-19 vaccines upang maprotektahan ang kanilang mga sarili at ang mga pamilya nila imbes na ipagpilitan ito sa kanila dahil walang namang batas sa bansa na nagsasabi na mandatory na magpabakuna.

Ipinaliwanag ni Escudero na naka-emergency use authorization o naka-EUA pa rin hanggang ngayon sa Food and Drug Administration ang lahat ng bakunang mayroon sa Pilipinas kung kaya hindi ito puwedeng ipagsapilitan sa mga mamamayan.

“Naka-EUA pa ang mga bakunang ito at ibig sabihin lang, may mga clinical trials pa bago magawang mandatory ng gobyerno ang vaccination,” ani Escudero na kumakandito para sa Senado. “Kapag nakapasa na ang mga bakuna sa lahat ng pagsusuri at pag-aaral na dinaanan ng mga ito, doon lang mangyayari na maging parte ito ng isang polisiyang pagkalusugan na maaaring ipatupad gamit ang police power ng gobyerno.”

Dahil sa kawalan ng nasabing mandato, sinabi ng dating senador na tutukan na lamang muna ng pamahalaan ang paghimok sa mga ‘di-bakunadong indibidwal at pati na ang pag-abot sa mga Pilipino na kasali sa target population subalit hindi pa rin nababakunahan hanggang ngayon.

CHIZ ESCUDERO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with