^

Bansa

DepEd: Expanded face-to-face classes, ­bubuksan na sa mas maraming grade levels

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Plano ng Department of Education (DepEd) na buksan na sa mas marami pang grade levels ang expanded face-to-face classes sa bansa na planong idaos sa susunod na buwan, sa gitna ng patuloy na banta ng pandemya ng COVID-19.

Ayon kay DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan, sa pilot run ay tanging mga estu­dyante mula sa Kindergarten hanggang Grade 3, at Senior High School ang pinayagang lumahok.

Gayunman, plano aniya nilang palahukin na rin dito ang iba pang grade levels sa pagpapalawak pa nito.

Una nang inirekomenda ng DepEd kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalawak pa ng face-to-face classes sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Levels 1 at 2, nang hindi mas maaga sa unang linggo ng Pebrero.

Kamakalawa naman, sinabi ng Malacañang na suportado ni Pang. Duterte ang naturang plano.

Iniulat din ng DepEd nang isagawa ang pilot face-to-face classes mula Nobyembre 15 hanggang Disyembre 20, 2021, nasa 287 public at private schools ang lumahok dito.

Naging matagumpay naman anila ito at walang naiulat na kaso ng COVID-19 sa may 15,683 mag-aaral na lumahok dito.

vuukle comment

DEPED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with