^

Bansa

Kaso ng COVID-19 sa labas ng Metro Manila, tumataas na rin

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Kaso ng COVID-19 sa labas ng Metro Manila, tumataas na rin
The national government allows the voluntary use face shields mandate in areas under Alert Levels 1, 2 and 3 as the Philippines sees a new surge in COVID-19 infections in January 2022.
The STAR/Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Tumataas na rin ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 hindi lang sa Metro Manila ngunit maging sa iba’t ibang parte na ng bansa, ayon sa OCTA Research Group.

“Cases in regions outside ‘NCR Plus’ are increasing,” ayon kay OCTA Research fellow Guido David. “All over the country, we’re starting to see an increase in cases”.

Kabilang sa mga lugar na may malaking COVID-19 growth rate ay ang Cagayan Valley, Panga­sinan, La Union, Benguet at Bicol region habang tumataas na rin ito sa ibang parte ng Central Luzon o Region III.

Nakitaan din ng pagtaas ang Tacloban City, Western Visayas, Central Visayas, Zamboanga City and Davao del Sur.

Samantala, posible naman umano na naabot na ang ‘peak’ o malapit nang maabot ito sa Metro Manila, Cavite, Rizal at Bulacan.

Bumaba na sa -1% ang growth rate dulot ng Delta variant sa Metro Manila mula sa 2%. Nabawasan din ang dating 54% na positivity rate na nasa 50% na lamang.

Hindi pa umano dapat magdiwang ang publiko dahil sa maaaring naabot na ng testing rate ang limitasyon nito kaya posibleng nagkakaroon ngayong ng artipisyal na pagbaba sa mga numero.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with