^

Bansa

Libreng COVID-19 home care kits, suportado ni Bong Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Suportado ni Senator Christopher “Bong” Go, chairman ng Senate Committee on Health and Demography, ang inisyatiba ng Department of Health at mga partner na organisasyon nito sa paglulunsad ng “Basic Kalinga Kit” para sa mga pasyente ng COVID-19.

Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III, natapos na ng ahensya ang pag-aayos ng nasa 35,000 COVID-19 care kits na naglalaman ng 20 pirasong mask, isang bote ng sanitizer, sabon at mga gamot. Katuwang nito ang World Health Organization at Procter & Gamble Company.

“Salamat po sa Department of Health at sa pribadong sektor dahil napakalaking bagay po talaga itong naging inisyatibo ng DOH lalo na para sa mga kababayan nating tinamaan ng sakit na COVID-19,” pahayag ni Go.

Sinabi ni Go na sa pagtutulungan ng pribadong sektor at ng gobyerno, malayo ang ating mararating tungo sa pagkakaroon ng mas ligtas na komunidad lalo na ngayong may pandemya.

Samantala, muling umapela ang senador para sa pagpasa ng kanyang kambal na panukalang batas na nag­lalayong palakasin ang kakayahan ng bansa sa pagtugon sa banta ng mga nakahahawang sakit. Isa sa mga hakbang na ito ay ang Senate Bill No. 2158 na nagtatatag ng Philippine Center for Disease Control and Prevention (CDC).

Kung maipapasa, ang CDC ang magiging nangungunang ahensya para sa pagbuo ng mga hakbangin sa pagkontrol at pag-iwas sa nakakahawang sakit. Tutukan din nito ang pagkontrol sa pagkalat ng mga nakakahawang sakit sa Pilipinas.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with