_ngayon
^

Bansa

Bagong kaso ng COVID-19, sumipa sa 37,207

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Bagong kaso ng COVID-19, sumipa sa 37,207
Iniisa-isang bisitahin ng health worker ang bawat pasyente sa quarantine facility sa San Juan. Sa ilalim ng updated guidelines, ang isolation period ng probable, asymptomatic at mild cases ay pitong araw na lang kung fully vaccinated.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Sumipa sa panibagong record high na 37,207 ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas nitong Biyernes sanhi para umakyat ang kabuuang bilang ng kaso sa 3,129,512.

Ang mga pasyente na gumaling ay 9,027 o total recoveries na 2,811,188.

Nasa 81 ang nasawi o 52,815 death toll.

Naitala ang mga akti­bong kaso sa 265,509.

Sa mga active cases, nasa 8,325 ang asympto­matic, 252,502 mild, 2,913 moderate, 1,469 severe, at 300 critical.

Sa buong bansa, na­itala ang utilization rate sa ICU beds sa 46%, nasa 47% sa isolation beds, 48% sa ward beds, at 19% sa ventilators.

Sa Metro Manila, ang utilization rate sa ICU beds ay 55%, nasa 55% sa isolation, 67% ward, at 26% ventilators.

Samantala, patuloy umanong tataas ang mga kaso ng COVID-19 at maaaring umabot pa ang peak nito hanggang sa unang linggo ng Pebrero, ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Dahil dito, inirekomenda ng DOH na iprayoridad ang mga health workers, matatanda at may comorbidities sa COVID-19 testing upang mabigyan kaagad sila ng tamang medisina sa maagang panahon.

Ikinokonsidera naman ngayon na “COVID pro­bable” ang mga indibidwal na may sintomas ngunit hindi pa naisasailalim sa COVID-19 test.  Pareho rin umano ang pamamahala sa COVID positive at pro­bable na parehong dapat i-isolate.

Inamin ni Vergeire na hindi magagawang pigilan ng pamahalaan ang pagkalat ng coronavirus ngunit maaari namang maghanda sa pamamagitan ng pag­lalaan ng mas maraming higaan at intensive care unit beds sa mga pagamutan.

 

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with