^

Bansa

Biyahero mula sa ‘Red List’ puwede nang pumasok sa Pinas

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Biyahero mula sa âRed Listâ puwede nang pumasok sa Pinas
Airline ground staff (L) wearing protective gear work at the counter at the airport in Manila on August 4, 2020.
AFP / Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Pinapayagan na ng gobyerno na makapasok sa Pilipinas ang mga biyahero mula sa mga teritoryong nasa “Red List” o mga teritoryo na itinuturing na mataas ang kaso ng COVID-19.

Ayon kay Cabinet Secretary at acting presidential spokesperson Karlo Nograles, pinapayagan na ang inbound international travel ng lahat ng galing sa Red List sa nakaraang 14 araw bago sila dumating sa Pilipinas.

Lahat ng biyahero na galing sa Red, Yellow o Green countries na papasok sa Pilipinas ay kailangang magpakita ng negatibong resulta ng RT-PCR test na isinagawa 48- oras bago sila bumiyahe.

Ang mga kumpleto na ang bakuna mula sa Red List areas ay kailangang mamalagi sa mga quarantine facility pagdating sa bansa at kailangang sumailalim sa panibagong RT-PCR test sa ika-7 araw. Maaari silang palabasin sa sandaling mag-negatibo ang resulta pero dapat mag-home quarantine hanggang ika-14 araw buhat nang dumating sa bansa.

Ang mga hindi bakunado, hindi kumpleto ang bakuna, at hindi ma-validate ang bakuna ay mananatili rin sa mga quarantine facility at kukuha ng RT-PCR test sa ika-7 araw.

Maaari lamang silang makalabas ng quarantine faci­lity sa ika-10 araw kahit pa negatibo ang resulta ng test at tatapusin ang 14 na araw na quarantine sa kanilang bahay.

Nauna rito, pinagbawalan ng gobyerno na makapasok sa Pilipinas ang mga biyahero mula sa Red List territories maliban na lamang sa mga pauwing Filipino na sakay ng mga Bayanihan flights. Ipinapatupad din ang pagkuha ng test 72 oras bago bumiyahe.

Sinabi ni Nograles na pinapayagan na ang mga biyahero mula sa Red List dahil mayroon na rin namang kaso ng Omicront variant sa bansa.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user