^

Bansa

Doc Willie Ong nagpositibo sa COVID: ‘Omicron hindi mild’

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinontra ni Aksyon Demoktratiko Doc Willie Ong ang impormasyon na nagdudulot lamang ng ‘mild’ na sintomas ang Omicron variant ng COVID-19 makaraang magpositbo rin siya sa virus kamakailan.

“I have Covid, Day 2. Nagla-live ako dahil sa tingin ko, may lesson din naman at maituro ko sa inyo, habang ‘yung hindi pa tinatamaan, maka-ingat pa ng konti. Iba ‘yung inaral ko sa Covid, iba ‘yung na-experience mo mismo. Iba ‘yung libro, iba ‘yung aktwal,” ayon kay Ong sa kaniyang live post sa Facebook.

Nakaranas umano siya ng ‘post-nasal drip’ o pagbabara sa ilong, hirap sa pagtulog, at walang ganang kumain.

“Ang Omicron ay hindi po mild. Kalokohan ‘yung binabasa n’yo sa Google, sa internet. Mas matindi ito kaysa flu. Ito ang pinakamatindi kong sakit. Masakit sa ulo. May sipon siya pero matindi ‘yung ubo. May plema na ako, wala na rin akong boses,” ayon kay Ong.

Mas mahirap umano sa Omicron ang pabalik-balik na sintomas nito. Iyong inaakala niya na nakarekober na siya ng isang araw ngunit bigla muling bumabalik ang sintomas, dahilan para lalong manghina ang isang pasyente.

“Alas siyete ng umaga, sakit ng katawan, sakit ng ulo, laging pawis. Tapos mamayang konti, lalakas ka, parang okay, tapos mamayang konti, ayan na naman, mabigat na naman. So, may wave na parang sipa siya nang sipa. Kaya naiintindihan ko kung bakit may namamatay, kasi sipa nang sipa yung sakit,” dagdag pa niya.

Uminom rin si Ong ng Molnupiravir, ang anti-viral drug na inirekomenda niya kay Manila City Mayor Isko Moreno dahilan para sa kaniyang pagrekober.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with