_ngayon
^

Bansa

Bong Go: Lockdown, ‘di na natin kaya

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling hinimok ni Se­nator at Senate Committee on Health and Demography chairman Christopher “Bong” Go ang mga Pilipino na manatiling mapagbantay laban sa COVID-19 na patuloy na naman ang pagtaas ng bilang ng mga kaso dahil hindi na kakayanin pa ng bansa ang pagpapatupad ng panibagong lockdown.

Nagbabala rin si Go laban sa hindi kinakaila­ngang pagpapanik at binigyang-diin na ang disiplina at pagtutulungan ay susi sa pagharap sa krisis.

Hiniling ng senador ang patuloy na kooperasyon at disiplina sa mga Pilipino upang mapigilan ang kasalukuyang pagdagsa ng mga impeksyon sa pagsasabing hindi na kayang ipatupad muli sa bansa ang isang nationwide lockdown.

“Nakailang pagsasara na tayo ng negosyo, nakailang pagtigil na tayo ng trabaho. Hindi na tayo pwedeng bumalik dun dahil hirap po ang ating mga kababayan,” ayon sa mambabatas.

Hinimok din niya ang lahat na huwag mag-panic at sa halip ay tumutok sa pagsunod sa ating mga protocol sa kalusugan at pangangalaga sa kalusugan ng isang tao.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with