^

Bansa

37,207 bagong hawa ng COVID-19 pinataas local infections sa 3.12 milyon

Philstar.com
37,207 bagong hawa ng COVID-19 pinataas local infections sa 3.12 milyon
Passengers at the Ninoy Aquino International Airport's Terminal 2 wait at the Departure Area after several domestic flights were canceled on Monday, Jan. 10, 2022.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Sa ikalawang sunod na araw, record-high uli sa kasaysayan ng Pilipinas ang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa matapos nitong tumalon patungong 37,207 ngayong Biyernes.

Ayon sa pinakasariwang datos ng Department of Health (DOH), naungusan ng datos ngayong araw ang naunang record na 34,021 noong nagdaang Huwebes.

  • total cases (3,129,512)
  • bagong kaso (37,207)
  • total deaths (52,815)
  • kamamatay lang (81)
  • aktibong kaso (265,509)

"Of the 37,207 reported cases today, 36,577 (98%) occurred within the recent 14 days (January 1 - January 14, 2022)," paliwanag ng DOH sa isang statement kanina.

Karamihan sa mga kaso nitong nagdaang dalawang linggo ay nagmula sa:

  • NCR (16,824)
  • Region 4-A (8,580)
  • Region 3 (4,052)

Nasa 21 lang sa kabuuang 81 newly reported COVID-19 deaths ang nangyari ngayong buwan, habang ang nalalabi ay panay backlog pa noong taong 2021.

Sa kabila ng panibagong record-high ngayong araw, walong laboratoryo pa ang hindi nakapagsumite ng kanilang mga datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

"104 duplicates were removed from the total case count. Of these, 67 are recoveries and 2 are deaths," dagdag pa ng kagawaran.

"Moreover, 58 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation."

Kanina lang nang sabihin ni acting presidential spokesperson Karlo Nograles na palalawigin hanggang ika-31 ng Enero ang mahigpit-higpit na Alert Level 3 sa Metro Manila dahil pa rin sa biglaang pagsipa ng COVID-19 cases. Maliban pa 'yan sa 82 bayan, lungsod at probinsya na nasa ilalim din nito.

Samantala, nakatakda namang ikasa ang "full implementation" ng pagbabawal sa mga unvaccinated na residente na sumakay sa pampublikong mga sasakyan sa Metro Manila simula Lunes, ika-17 ng Enero— James Relativo

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with