^

Bansa

Pinas ‘critical risk’ na sa COVID-19- DOH

Danilo Garcia, Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pinas âcritical riskâ na sa COVID-19- DOH
Health workers (in blue) check identification documents of people queueing up for Coronavirus swab tests outside a gymnasium in Manila on Jan. 7, 2022, as infections driven by the Omicron variant have tripled in the last two days in the nation's capital.
AFP/STR

Omicron dominanteng variant na

MANILA, Philippines — Inamin ni Health Secretary Francisco Duque III na “critical risk” na ang klasipikasyon ng Pilipinas sa COVID-19 dahil sa big­lang pagtaas ng bilang ng mga nahahawa dahil sa Omicron variant.

Sa ulat ni Duque kay Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi nito na naitala ang 690% na pagtaas sa pitong araw na ave­rage daily reporting cases.

“Ang ating bansa ay kasalukuyang nasa critical risk case classification, na may pagtaas na 690% sa seven-day average of daily reporting cases,” ani Duque.

Sinabi rin ni Duque na nalampasan na ng Omicron ang Delta bilang dominant na variant sa bansa.

“Base sa pinakahu­ling run of whole genome sequencing, 60% na po ng samples na nasequence ay positive na po for Omicron varaint so siya na po nagdo-dominate na variant whereas before it was the Delta,” ayon kay Duque.

Iniulat din ni Duque na bagaman at tumataas ang mga kaso araw-araw, mas mababa naman ang nasa severe at kritikal na kaso kumpara noong Setyembre kung saan naitala rin ang pagtaas ng impeksiyon.

Nauna rito, iniulat ng health department noong Enero 3 na nasa “high risk” na ang bansa sa COVID-19 matapos ang biglang pagtaas ng kaso.

FRANCISCO DUQUE III

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user