^

Bansa

Halos 400 PGH healthcare workers nahawa ng COVID-19 habang holidays

James Relativo - Philstar.com
Halos 400 PGH healthcare workers nahawa ng COVID-19 habang holidays
This undated file photo shows the Philippine General Hospital in Manila
The STAR, File

MANILA, Philippines — Kasabay ng pagsirit sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas matapos ang Kapaskuhan at Bagong Taon ay ang bilang ng mga manggagawang pangkalusugan na tinamaan din nito — ito habang humaharap din sila sa maraming pasyente araw-araw.

Ito ang ibinahagi ng tagapagsalita ng Philippine General Hospital (PGH) na si Jonas del Rosario isang araw matapos maitala ang pinakamataas na bilang ng new COVID-19 cases sa kasaysayan ng Pilipinas, kasabay ng pagdami ng cases ng mas nakahahawang Omicron variant.

"Just last night, more healthcare workers were tested and we had about 86 [new] healthcare workers who are positive," ani Del Rosario sa panayam ng CNN Philippines, Lunes.

"If you do the math, 310 plus 86 we're almost close to 400 healthcare workers who got COVID."

Karamihan daw sa kanila ay nahawa nitong holiday season, lalo na't bibihira lang daw ang nahahawaan sa COVID-19 wards ng ospital dahil sa pagsusuot ng tamang personal protective equipment.

Kamakailan lang nang sabihin ng Filipino Nurses United na "delikado" at "hindi patas" ang direktibang paiksiin ang quarantine at isolation peiod ng healthcare workers patungong five days lalo na kung kulang sa manpower.

Na-expose sa maraming tao

Pangamba tuloy ngayon ni Del Rosario, maaaring nakasalamuha ng mga naturang healthcare workers ang maraming tao. Hinihiling ng kanilang trabaho na humarap sila sa marami araw-araw habang nasa gitna ng malubhang pandemya at krisis.

"For every one [COVID-19] infected healthcare worker, there are probably three who got exposed. That was last week. Hopefully that ratio will now go down because people are more aware again," wika pa ng PGH official.

"Some of them are probably towards the tail end of their isolation... but it's so fluid that everyday we're testing healthcare workers because some of them are really becoming symptomatic and we have to check."

Pagmamay-ari ng gobyerno ang PGH at pinatatakbo ng Unibersidad ng Pilipinas-Maynila, na kilalang takbuhan ng maraming kapos sa pera.

Hinihiling naman ngayon ng Philippine Association of Medical Technologists (PAMET) na ma-release agad ang hazard pay at special risk allowance ng medical technologists na nagtratrabaho sa gobyerno't pribadong sektor lalo na't marami sa kanila ang nagkakaroon na ng mild at moderate COVID-19.

Sa huling taya ng Department of Health (DOH) nitong Linggo, aabot na sa 2.96 milyon ang nahahawaan ng COVID-19. Sa bilang na 'yan, patay na ang 52,150 katao.

CHRISTMAS

NEW YEAR

NOVEL CORONAVIRUS

PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with