^

Bansa

‘Fake news’ vs Robredo binatikos

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binatikos ng entertainment writer at talent manager na si Ogie Diaz ang mga personalidad na gumagawa ng mga walang basehang isyu laban kay Bise Presidente Leni Robredo, sa pagsasabing ginagawa nila ito dahil wala silang maipagmalaki sa kanilang mga kandidato.

Ginawa ni Diaz ang pahayag matapos ang walang batayang akusasyon ng dating broadcaster na si Jay Sonza at isang Peter Serrano na nagsabing hindi sumunod sa quarantine protocol ang anak ni Robredo matapos itong magpositibo sa COVID-19.

“Ganun talaga. ‘Pag kalaban ng kandidato mo, gagawan mo ng isyu,” wika ni Diaz, na tinutukoy ang fake news na kinakalat nina Sonza at Serrano.

“Lalo na kung wala kang maipagmalaki sa kandidato mo,” dugtong pa ni Diaz.

Sa isang Facebook Live video, itinanggi ni Robredo ang mga akusasyon nina Sonza at Serrano, na tinawag niyang fake news at isang gawaing kriminal.

Nanawagan si Robredo sa dalawang nagpapakalat ng fake news na tumulong na lang sa Bayanihan E-Konsulta telemedicine service ng Office of the Vice President bilang volunteers sa halip na magkalat ng fake news.

“Kasi kailangan po namin ng volunteers pero hindi po pwede magsinungaling, iyong mga kababayan natin ang nakataya,” wika ni Robredo.

OGIE DIAZ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with