^

Bansa

Drug stores dinadagsa, paracetamol nauubos

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Drug stores dinadagsa, paracetamol nauubos
Ipinaskil ng pharmacy na ito sa may PGH, Manila ang listahan ng mga out of stock na gamot nila na pawang para sa lagnat, ubo at sipon matapos magkaubusan sa rami ng tinatrangkaso.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Patuloy na dinadagsa ng publiko ang mga drugstores sa bansa na nagresulta nga­yon ng pagkaubos ng paracetamol at iba pang gamot para sa lagnat, trangkaso, ubo at sipon na nauuso ngayong Enero.

Sa kabila nito, sinabi ng Department of Health (DOH) na walang nagaganap na kakapusan sa suplay ng paracetamol at iba pang gamot. Ito ay kasunod ng mga reklamo ng publiko at post sa social media ng mga netizen na halos wala nang mabilhang gamot sa mga malalaki at ma­ging maliliit na botika.

Sagot ng DOH, huwag mag-hoard, mag-panic buying o bumili ng mga gamot nang hindi naman kinakailangan ang publiko para mabalanse umano ang suplay.

Ayon pa sa DOH, matapos na makarating sa kanila ang ulat hinggil sa umano’y shortage ay agad nilang kinonsulta ang mga pangunahing botika at lokal na manufacturer at suppliers ukol sa estado ng suplay ng mga gamot. Dito umano tiniyak sa kanila na walang ‘shortage’ na nagaganap.

Ngunit kabaligtaran ito sa inilabas na paha­yag ng drug manufactu­rer na Unilab na sinabi na pansamantalang wala muna silang stock ng iba nilang brands ng gamot sa mga piling botika.

“This is to inform the public that some of our brands are tempora­rily out of stock in select drugstores due to extraordinary demand,” abiso ng Unilab.

Ipinaalala naman ng DOH na may mga alternatibong generic brands sa merkado na mabibili sa ilang mga botika sa buong bansa.

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with