^

Bansa

Medical frontliners binigyang pugay ni Duterte sa Rizal Day

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Medical frontliners binigyang pugay ni Duterte sa Rizal Day
Mural of frontliners is pictured at a hospital in Pasig City on August 2, 2020.
The STAR / Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Pa­ngulong Duterte ang pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal bilang paggunita sa ika-125 taon ng kamatayan nito sa Luneta park, Maynila.

Sa mensahe ng Pangulo, sinabi niya na sana ay ipagpatuloy ng mga Pilipino ang legasiya ni Rizal na pagmamahal at malasakit sa bayan.

Pinapurihan din ng Presidente ang mga frontliner na tinawag niyang modern-day heroes na patuloy na nagsasakripisyo sa harap ng pan­demya.

Tulad umano ni Rizal, ipinakita ng mga frontliner ang katapangan para iligtas ang mga kababayan laban sa virus na sumasalanta sa maraming tao.

Isinakripisyo rin umano ng mga tunay na ba­yani ang kanilang buhay dahil sa pagmamahal sa bayan at sa kapwa Pilipino at ito ay napatunayan sa panahon ng pandemya.

Idinagdag pa ng Pa­ngulo na hindi alintana ng frontliners ang panganib para iligtas ang buhay ng kanilang mga kababa­yan laban sa COVID-19.

FRONTLINERS

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with