^

Bansa

Dayaan sa E-Sabong sosolusyunan nina Lacson, Sotto

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Dayaan sa E-Sabong sosolusyunan nina Lacson, Sotto
Tugon ito ni Lacson matapos sa matanong sa naturang usapin nang makapanayam sa programang ‘Ikaw ang On the Spot: The Presidential Candidate Interview’ sa Teleradyo, kung saan, natukoy pa na mayroon nang ilang overseas Filipino workers ang nagpatiwakal bunga ng matinding pagkatalo.
STAR/File

MANILA, Philippines — Para maproteksiyonan ang publiko, masusing pag-aaralan ni Partido Reporma chairman at presidential candidate Panfilo “Ping” Lacson kasama ng kanyang running mate na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III kung paano makokontrol ng gobyerno ang nauusong E-Sabong na talamak maging sa mga social media platform.

Tugon ito ni Lacson matapos sa matanong sa naturang usapin nang makapanayam sa programang ‘Ikaw ang On the Spot: The Presidential Candidate Interview’ sa Teleradyo, kung saan, natukoy pa na mayroon nang ilang overseas Filipino workers ang nagpatiwakal bunga ng matinding pagkatalo.

“Ang laki ng social cause, ang laki ng social problem so dapat mayroong prangkisa, may legislative franchise sa Kongreso. Naka-transmit na sa Senado, pag-aaralan naming mabuti,” banggit ni Lacson bilang pangunahing remedyo sa nagugumon sa nabanggit na sugal na ayon sa mga ulat ay puwedeng tumaya kahit mga menor- de-edad.

Aniya, sa simula pa lang umano ay ayaw na niya sa ganitong porma ng sugal dahil maaaring magkaroon ito ng malalim na epekto sa usaping panlipunan dahil kahit sino—maging mga bata—ay maaaring tumaya gamit ang mga mobile o virtual wallet app.

Gayunman, naniniwala si Lacson at Sotto na mahalagang mapag-aralang mabuti ang batas na kokontrol sa E-Sabong dahil magiging banta naman umano ito sa hinaharap kung hindi sasailalim sa legal na proseso.

Sa isang press confe­rence nitong Nobyembre, ipinaliwanag ng presidential candidate ng Partido Reporma na kailangang makontrol ang ganitong uri ng sugal upang magkaroon ng safety measures o alintuntunin na poprotekta sa mga tumataya rito.

“‘Pag hindi mo binigyan ng franchise ‘yan, mag-o-operate pa rin, ‘di ba—iligal. At ‘pag sinabi nating iligal, e online, medyo may dayaan pa,” sabi ng running mate ni Lacson.

Para kay Lacson, importante na lalong mabigyang proteksyon dito ang mga OFW dahil “borderless ito, puro online ito, tataya wala nang maipadala doon sa kanilang mga pamilya rito kasi natatalo doon sa [e-sabong] kasi online napakabilis lang ng tayaan.”

Sa ngayon ay wala pang batas na nakakasakop sa E-Sabong at ang panukalang lagyan na ito ng alintuntunin ng pamahalaan ay nananatiling nakabinbin sa komite sa Mataas na Kapulungan.

ONLINE SABONG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with