^

Bansa

'New and improved': Manila Zoo bubuksan uli sa limitadong bisita sa ika-30 ng Disyembre

Philstar.com
'New and improved': Manila Zoo bubuksan uli sa limitadong bisita sa ika-30 ng Disyembre
Kuha sa labas ng nire-rehabilitate ng Manila Zoo
Released/Manila Public Information Office

MANILA, Philippines — Ipinasilip na ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Maynila ang panibagong itsura ng tanyag na Manila Zoo — bagay na ilang taon nang hindi napapasok ng publiko.

Matatandaang taong 2019 pa nang ipasara ni dating Manila Mayor Joseph Estrada ang 62-anyos na zoo matapos ito tukuyin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) bilang "major pollutant" sa Manila Bay.

"Munting pamasko para sa mga Pilipino! Magandang balita po para sa lahat dahil malapit na po nating buksan sa publiko ang inyong paboritong Manila Zoo na may bagong bihis na ngayon," wika ni Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso, Miyerkules.

"Sa December 30 po ay bubuksan natin ang Manila Zoo para sa mga pamilya ng mga taong nagtrabaho para isaayos at pagandahin ang Manila Zoo."

 

 

Sa kabila nito, "soft opening" pa lang daw ito at bubuksan muna sa pamilya ng 1,300 zoo construction workers, na siyang itratrato raw bilang VIP guests.

Una nang sinabi ni Domagoso, na kumakandidato rin sa pagkapangulo sa 2022, na nais niyang makipag-partner sa Cebu Safari and Adventure Park sa Visayas upang makapagdagdag ng mga hayop sa zoo, na siyang sumasailalim sa rehabilitasyon.

"Tiyak na magugustuhan ng ating mga kababayan ang mga bagong atraksyon sa Manila Zoo, madami sa atin ang ilang taon na ding hindi nakapasyal dito," dagdag pa ni Domagoso.

Aabot sa P1.7 bilyon ang inilaan ng alkalde ng lungsod para ayusin ang naturang atraksyon para makapagbigay ng mas maayos na kondisyon sa mga hayop.

Mahigit apat na dekadang naging tahanan ng elepanteng si "Mali" ang Manila Zoo, na kalaunan ay pinakawalan din matapos ipanawagan ng mga animal rights groups dahil sa kanyang diumano'y kalunos-lunos na kinalalagyan.

Tinatayang magbubukas sa general public ang zoo sa Pebrero 2022. — James Relativo

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

ISKO MORENO

MANILA ZOO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with