^

Bansa

Department of OFW lusot na sa Senado

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaprubahan na sa ikatlo at pinal na pagbasa ng Senado ang panukala na bubuo ng isang departamento na tutugon sa mga pangangailangan at problema ng overseas Filipino workers.

Sa botong 20 na pabor at walang pagtutol ay inaprubahan ang Senate Bill No. 2234 o ang Department of Migrant Workers and Overseas Filipinos Act.

Ayon kay Sen. Joel Villanueva, isa sa may akda ng panukala na magsisilbi itong isang ahensiya para sa lahat ng hinaing ng OFWs kabilang ang recruitment, red tape, regulation, emergency response, repatriation, at reintegration.

Subalit ang nasabing panukala ay nanganga­ilangan ng malaking ha­laga para sa bagong ahensiya ng gobyerno.

Ang naturang panukala ay itinuturing na urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte.

OFWS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with