^

Bansa

NTF-ELCAC: ATL, Dynamic Law ng Pinas

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tahasang sinabi ni Assistant Solicitor Ge­neral Angelita Miranda na ang desisyon ng Korte Suprema na ideklarang Constitutional ang Anti-Terrorism Law (ATL) ay isang malaking tagumpay para sa Pilipinas upang magkaroon ng isang “dynamic law” na tutumbas sa mga batas ng ibang bansa na panglaban sa terorismo at proteksiyon para sa karapatang pangtao.

Sa ‘virtual’ na balitaan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) kahapon, sinabi ni Miranda na ang desisyon ng Korte Suprema na payagang maging batas ang Republic Act 11479 o’ Anti-Terrorism Act of 2020 ay tagumpay ng bansa at ng Filipino.

Kanya rin tinuligsa ang pagpapakalat ng iilang sektor na ang ATL ay idineklarang  ‘unconstitutional’, ng Supreme Court (SC).

Aniya, dalawang collatilla o probisyon lamang ang tinanggal ng SC. At sa hatol na ito ng SC, pahayag ni Miranda, ang Anti-Terrorism Council (ATC) ay inarmahan na ng batas na maaring magtalaga o magbansag sa sinomang grupo o indibidwal na may kaugnayan sa mga terorista. Magiging bala rin ito aniya sa mga magtatangkang gumawa ng mga terroristic acts.

ANTI-TERRORISM LAW

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with