^

Bansa

'Babala na ito': DOH pinalalantad 2 umuwing Pinoy mula Omicron-stricken South Africa

James Relativo - Philstar.com
Sa file photo na ito, makikitang tuwang-tuwa ang lalaking ito, na naka-face mask laban sa COVID-19, matapos umuwi ng bansa.
The STAR / Edd Gumban, File

MANILA, Philippines — Nag-isyu na ng warning ang Department of Health (DOH) sa ilang umuwi sa Pilipinas galing sa isang bansang kilalang tinamaan ng bagong kinatatakutang COVID-19 variant — pwede kasi silang kasuhan habang pinatatagal ang hindi pagharap sa otoridad.

Dalawang returning overseas Filipinos (ROFs) kasi galing sa South Africa — kung saan unang nakita ang "mas nakahahawang" Omicron variant — ang hindi pa rin matunton matapos magbigay ng contact na hindi maabot ng DOH.

"They are warned [of sanctions under Republic Act 11332] because they have not completed or incorrectly filled out their [contact detail] forms," wika ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Biyernes.

"[They're from] Region X and Region IV-B, itong dalawang hindi pa natin nahahanap."

Narito ang profile ng dalawang pinaghahanap pa rin, upang matiyak na hindi nila nauwi ang Omicron variant:

'Case 6'

  • ika-22 ng Nobyembre (pagdating na bansa)
  • nagnegatibo sa COVID-19, ika-3 ng Disyembre

'Case 7'

  • ika-22 ng Nobyembre (pagdating ng bansa)
  • nagnegatibo sa COVID-19, ika-28 ng Nobyembre

"Sa ngayon, wala pa ho tayong nakikitang rason para ipag-alam sa public 'yung kanilang mga pangalan, because we still would want to preserve the rights of these individuals," patuloy ng DOH official.

Miyerkules lang nang sabihin ni Vergeire na ilang travelers mula South Africa ang hindi mahagilap ng gobyerno matapos ibigay ang contact number ng iba, magbigay ng maling numero, magbigay ng kulang na numero, atbp.

Sa ilalim ng RA 11332, o Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act, pwedeng pagmultahin ng hindi lalagpas sa P50,000 at/o kulong na hindi lalagpas sa anim na buwan ang mga ayaw makipag-ugnayan sa gobyerno tungkol sa estado ng kalusugan lalo na kung public concern ito.

Wala pang napaparusahan? Actually, meron

Sa kabila ng bantang ito ng DOH, inilinaw ni Vergeire na "wala pang" napaparusahan kaugnay ng RA 11332 pagdating sa mga paglabag kaugnay ng COVID-19 pandemic.

Ito ay kahit marami nang inarestong aktibista at lockdown violators ang Philippine National Police (PNP) kaugnay ng batas sa gitna ng health crisis.

"From the start of this pandemic, wala pa tayong napapatawan ng ganitong mga sanctions, because eventually we are able to locate din naman itong mga pasahero," dagdag ni Vergeire.

Kahit may mga parusa sa naturang batas, pinakamainam pa rin daw sa ngayon ang due process at alamin ano ang sitwasyon kung bakit mali-mali ang impormasyong naibigay sa gobyerno.

Kasalukuyang may travel ban ang Pilipinas sa mga bansa gaya ng South Africa hanggang ika-15 ng Disyembre kaugnay pa rin ng banta ng Omicron variant, na "posibleng" makapagpababa raw ng bisa ng COVID-19 vaccines.

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

OMICRON VARIANT

SOUTH AFRICA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with