^

Bansa

Omicron variant 'wala pa rin sa Pilipinas' pero 38 bagong Delta cases naitala

Philstar.com
Omicron variant 'wala pa rin sa Pilipinas' pero 38 bagong Delta cases naitala
Students attend a flag raising ceremoney before classes at Ricardo P. Cruz elementary school in Taguig city, suburban Manila on December 6, 2021, after authorities loosened Covid-19 coronavirus restrictions to allow limited in-person classes in the capital city.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Hindi pa rin natatagpuan ang kinatatakutang COVID-19 Omicron variant, na sinasabing mas nakahahawa, sa Pilipinas — ayon sa pinakabagong ulat na inilabas ng Department of Health (DOH), University of the Philippines - Philippine Genome Center at UP - National Institutes of Health.

"[N]o Omicron (B.1.1.529) variant of concern case was detected from the 48 samples sequenced yesterday, December 8," ayon sa joint release ng DOH, UP-PGC at UP-NIH, Huwebes.

Ang Omicron variant ay sinasabing mayroong 50 mutations, mas marami pa sa Delta variant na nagparami sa kaso ng COVID-19 sa Pilipinas at marami pang mga bansa.

Una nang sinabi ng OCTA Research Group na "dalawang beses" na mas nakahahawa sa kinatatakutang Delta variant ang Omicron. Gayunpaman, sinasabi ng DOH na ilang linggo pa ang kailangang antayin bago makumpleto ang mga ebidensya rito.

Sa kabila nito, ilang top American scientists, pati na mula sa World Health Organization, ang nagsasabing "hindi mas malala" ang Omicron sa Delta.

7,886 Delta variant cases

Sa 48 samples na na-sequence na iniulat, lalabas na 38 dito ay Delta variant. Ang iba ay COVID-19 lineages na hindi kasama sa mga mas nakahahawang variants of concern (VOC) o wala talagang lineages.

Inaangat nito ang kabuuang Delta variant cases sa Pilipinas sa bilang na 7,886.

Binubuo ang 38 bagong Delta variant cases ng:

  • lokal na kaso (31)
  • returning overseas Filipinos (7)

"Two ROFs had travel histories from Turkey and one ROF each from Jordan, Mexico, Netherlands, Panama, and Peru," ayon pa sa naturang pahayag.

Ang 31 local cases ay natagpuan sa:

  • Cagayan Valley Region (6)
  • Cordillera Administrative Region (5)
  • MIMAROPA (3)
  • Bicol (3)
  • Western Visayas (3)
  • SOCCSKSARGEN (3)
  • National Capital Region (3)
  • Central Luzon (2)
  • CALABARZON (2)
  • Davao Region (1)

Isa sa mga lokal na kaso ang sinasabing aktibo pa rin, habang 27 sa mga lokal at ROF cases ay gumaling na. Bineberipika pa naman ang estado ng tatlo pang mga kaso.

Ilang samples tinatapos pa sequencing

Sa kabila nito, hindi pa naisasama sa mga nasusuri sa Omicron variant ang mga samples na nakolekta mula sa mga biyaherong umuwi galing South Africa at Burkina Faso, ayon sa DOH.

"Meanwhile, the sample from the traveler in Egypt is currently being sent to PGC," dagdag pa ng kagawaran.

Sa huling ulat ng DOH nitong Miyerkules, aabot na sa 2.83 milyon ang nahahawaan ng COVID-19 sa Pilipinas. Sa bilang na 'yan, 49,761 na ang namamatay. — James Relativo

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

OMICRON VARIANT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with