^

Bansa

Limitadong 'face-to-face dalaw' sa mga preso ngayong Pasko pinalakpakan

James Relativo - Philstar.com
Limitadong 'face-to-face dalaw' sa mga preso ngayong Pasko pinalakpakan
Members of a private group called ‘Savepoint Corona Busters Team’ spray disinfectant in the detention cells at the Manila Police District headquarters. The Department of Health earlier warned that spraying or misting using chemicals is not proven to kill the coronavirus.
The STAR/Edd Gumban, File

MANILA, Philippines — Ikinatuwa ng Commission on Human Rights (CHR) ang desisyon ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na maghanda sa napipintong pagbabalik ng harapang pagbisita sa mga preso ngayong Pasko sa dahan-dahang pagkalma ng COVID-19 situation sa bansa.

Noong nagsimula ang COVID-19 pandemic, tanging limitadong electronic dalaw (e-Dalaw) lang kasi gamit ang computer ang pinapayagan para sa mga inmate. Linggo lang nang sabihin ng BJMP ba ibubukas na nila ang "no contact visitations" ngayong holiday season.

"Thus, the movement towards the resumption of physical visits as we approach the holiday season is a welcome action in the humane treatment of prisoners," ani CHR spokesperson Jacqueline Ann de Guia, Martes.

"Providing [persons deprived of liverty] the opportunity to see their loved ones, with due compliance to health protocols and safety measures, is beneficial to their mental health and general well-being."

Ani De Guia, suportado ng komisyon ang mga hakbang na magpapaigi lalo sa sitwasyon ng mga PDLs bilang lead agency ng Interim National Preventive Mechanism.

Ilan sa mga BJMP facilities sa mga sumusunod na lugar ang sinasabing nagsimula na ng kanilang pilot run para rito:

  • Cebu
  • Cordillera
  • Metro Manila 

Inaantay pa naman daw ng iba pang mga pasilidad ang pag-aapruba ng kani-kanilang mga regional director habang kinukumpleto ang mga rekisitos.

"CHR hopes that this policy will be implemented sooner in more low-risk areas to allow PDLs and their families to have a meaningful holiday season," pagtatapos ni De Guia.

Mga dapat gawin ng gusto bumisita

Una nang sinabi ni BJMP spokesperson Chief Inspector Xavier Solda sa isang virtual presser na iaalok nila ang nasabing pagbisita sa "low risk areas" at may pasilidad na para sa non-contact vistation.

Ani Solda, ilan sa mga kailangang dalhin ng mga bibisita ang kanilang COVID-19 vaccination cards at valid government-issued IDs. Kakailanganin din nilang mag-antay para sa visiting schedule upang maiwasan ang mahabang pila at pagkokontrol ng dagsa ng tao.

Magsasagawa rin ang BJMP ng orientation bago ang pumunta ang mga pamilya upang mailinaw ang mga pwede at hindi pwedeng gawin sa pagbisita.

"Bale ngayong resumption ng granular opening of non-contact visitation, ang magiging sistema natin sa jail ay isang pamilya lamang ang papayagan sa mga dadalaw. Bawal muna ang mga bata at hanggang isang oras lamang po ang papayagan na oras ng dalaw," dagdag pa ni Solda.

"Tanging paguusap at pagkikita lamang ang posible."

Gayunpaman, kakailanganin pa ring sumailalim sa e-Dalaw service ng BJMP ang mga pamilyang nais dumalaw sa mga pasilidad na walang sapat na erya para i-accomodate ang naturang polisiya.

Una nang sinabi ng BJMP na umabot sa 103,310 PDLs ang nakinabang sa e-Dalaw sa 470 kulungan sa buong bansa mula Enero hanggang Agosto 2021.

BJMP

COMMISSION ON HUMAN RIGHTS

NOVEL CORONAVIRUS

PERSONS DEPRIVED OF LIBERTY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with