_ngayon
^

Bansa

LGUs na nagbabakuna ng non-residents pinuri ni Eleazar

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
LGUs na nagbabakuna ng non-residents pinuri ni Eleazar
Individuals line up for Astrazeneca vaccine at Batasan National Highschool in Brgy. Batasan Hills in Quezon City during the last day of the government's three-day vaccine campaign on Dec. 11, 2021.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Upang mas marami ang maprotektahan laban sa COVID 19, naniniwala si dating PNP chief at Se­natorial candidate Guiller­mo Eleazar na dapat na ring magbigay ng bakuna ang iba pang local government units (LGUs) sa mga non-residents.

Ang pahayag ni Eleazar ay bunsod ng report na ilang mga lalawigan ang may kakulangan sa supply ng bakuna habang ang ibang LGUs ay sobra-sobra ang supply.

Kasabay nito, pinuri naman ni Eleazar ang mga LGUs na tumatanggap ng non-residents para mabigyan ng proteksiyon laban sa virus.

Marami aniya ang mga nais na magpabakuna subalit dahil sa kakula­ngan ng supply hindi na ito naisasagawa pa.

“Sa gitna ng pagpupursige ng pamahalaan na mabakunahan ang lahat ng mga Pilipino, maganda sana kung ’yung mga LGUs ay tatanggap na ng mga walk-in na gusto magpabakuna na galing sa karatig na lalawigan o munisipyo,” ani Eleazar.

Binigyan diin ni Elea­zar na mahalagang mabakunahan ang nasa 54 milyong Filipino bago matapos ang taon.

“Dito papasok ’yung magandang coordination ng bawat LGUs, lalo na sa magkakalapit na lugar, na i-accommodate na nila ’yung mga taga-ibang bayan na gustong magpabakuna sa kanilang lugar,”  giit pa ni Eleazar.

Dagdag pa ni Eleazar, sapat na ngayon ang suplay ng bakuna kaya’t umaapela siya sa iba pang LGUs na ibahagi ang bakuna sa iba.

Una nang sinabi ni Health Undersecretary Leopoldo Vega na posibleng itaas sa 100% ang immunity ng bansa laban sa COVID-19 bagama’t may bagong variant na Omicron.

 

GUILLER­MO ELEAZAR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with