_ngayon
^

Bansa

Pinas nasa ‘minimal risk’ na

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patuloy ang pagbuti ng kalagayan ng bansa sa COVID-19 pandemic makaraang ilagay na ng Department of Health (DOH) sa ‘minimal risk’ ang buong kapuluan bunsod ng patuloy na pagbaba ng mga kaso.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mas mababa na sa 1 ang ‘avegare daily attack rate’ ng bansa mula Nobyembre 22 hanggang Disyembre 5.

“Nationally we remain at minimal risk case classification with a negative two-week growth rate at -57% and a low-risk average daily attack rate at 0.67 cases for every 100,000 individuals,” ayon kay Vergeire.

May 13 rehiyon din sa bansa ang nasa kahalintulad na klasipikasyon habang ang Metro Manila, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, at Zamboanga Peninsula ang nasa ‘low risk classification’ naman.

Naitala ang positivity rate ng bansa sa 1.80% kung saan ang Metro Manila naman ang may pinakamababang rate sa 1.1% lamang. Ang positivity rate ang porsyento ng mga indibiduwal na nagpoposi­tibo sa COVID-19 sa araw-araw na isinasagawang COVID-19 test sa buong bansa.

Sinabi pa ni Vergeire na nasa ‘low risk’ o mas mababa sa 50% utilisasyon ang lahat ng health facilities sa bansa.

 

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with