^

Bansa

Chiz sa DND: Permanenteng istruktura itayo sa Ayungin Shoal

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Chiz sa DND: Permanenteng istruktura itayo sa Ayungin Shoal
Ang BRP Sierra Madre ng Philippine Navy ay nasa Ayungin Shoal simula 1999 upang igiit ang pag-angkin ng bansa sa pinagtatalunang karagatan at bilang tugon na rin sa ilegal na pag-okupa rito ng China.
CSIS / AMTI via DigitalGlobe

MANILA, Philippines — Hinihimok ni Sorsogon Gov. at senatorial candidate Chiz Escudero ang Department of National Defense (DND) na palakasin ang presensya nito sa Ayungin Shoal sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga perma­nenteng istruktura sa teritoryo ng Pilipinas.

“Sa harap ng panibagong agresyon ng China, mas kailangan ng ating pamahalaan na buhusan ang pagtatayo ng mga permanenteng estruktura na magsisilbing military outpost at hindi ang pagbandera lang sa isang lumang barko ng World War II bilang simbolo ng ating soberenya sa West Philippine Sea,” ani Escudero.

Ang BRP Sierra Madre ng Philippine Navy ay nasa Ayungin Shoal simula 1999 upang igiit ang pag-angkin ng bansa sa pinagtatalunang karagatan at bilang tugon na rin sa ilegal na pag-okupa rito ng China.

“Pagkatapos ng pamamahiya na naman sa atin ng Tsina, kailangan natin magpakitang-gilas naman. Baka isang dahilan na hindi nila tayo nirerespeto dahil nakikita ng Tsina na mukhang kawawa ang military outpost natin doon. Our soldiers—and our nation—deserve better,” ani Escudero.

AYUNGIN SHOAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with