^

Bansa

MMDA Chair Abalos puring-puri ang serbisyong Bong Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Puring-puri ni Metropolitan Manila Development Authority Chairman Benjamin Abalos, Jr. si Senator Christopher “Bong” Go sa “untiring at unconditional” na serbisyo ng senador sa mga residente ng Mandaluyong City matapos saklolohan ang mga nasunugan sa Barangay Barangka Drive.

“Napakalaki ng utang na loob ng pamilya namin sa kanya. Siya ang tumulong bakit nabuhay ang ama ko (at) ang aking nanay sa ospital,” ayon kay Abalos.

Tinukoy ang kababaang-loob ng senador, sinabi ni Abalos sa crowd sa Bonifacio Javier National High School, na mabilis na tinutulungan ni Go ang sinumang lumalapit at nangangailangan ng saklolo.

“Tawagan ninyo, kahit sino sinasagot niya, napakababa ng loob,” ani Abalos.

Sa kanya namang speech, sinabi ni Go na lalo pa niyang paiigtingin ang ginagawang pagtulong sa mga biktima ng kalamidad at nahaharap sa krisis.

Namahagi si Go at kanyang staff ng financial assistance, meals, food packs, vitamins at masks sa tinatayang 105 pamilyang nasunugan.

“Sabi ko kay Chairman Abalos kanina, magkasama tayo sa pagseserbisyo. Hindi ko kayo iiwanan dahil mahal ko ang aking kapwa Pilipino. Gaya ng aking ipinangako, kahit saang sulok kayo ng Pilipinas, pupuntahan ko kayo para makatulong at makapag-iwan ng ngiti sa oras ng inyong pagdadalamhati,” sabi ni Go.

Muling tiniyak ni Go na palagi silang nakahanda ni Pangulong Rodrigo Duterte na tulungan ang mga na­ngangailangan.

vuukle comment

JR.

BENJAMIN ABALOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with