_ngayon
^

Bansa

PDP-Laban pipili ng ‘pambato’ sa pagka-pangulo

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
PDP-Laban pipili ng âpambatoâ sa pagka-pangulo
Ayon kay Energy Sec. Alfonso Cusi na tumatayo ring presidente ng kanilang paksiyon, magiging gabay sa pagpili ng karapat-dapat na kandidato ang “basic principles” ng PDP-Laban.
STAR / File

Matapos umatras si Bong Go...

MANILA, Philippines — Mamimili ng bagong standard-bearer para sa 2022 elections ang paksiyon ng PDP-Laban na sinusuportahan ni ­Pangulong Rodrigo Duterte matapos bawiin ni Sen. Christopher “Bong” Go ang kanyang kandidatura.

Ayon kay Energy Sec. Alfonso Cusi na tumatayo ring presidente ng kanilang paksiyon, magiging gabay sa pagpili ng karapat-dapat na kandidato ang “basic principles” ng PDP-Laban.

“PDP Laban basic principles will lead the party in determining the rightful candidate to support because after all, it is not a personality we support, but an opportunity given to someone who will hold the country’s future in his hands,” sabi ni Cusi.

Susundin ang proseso at kokonsultahin ang kanilang mga miyembro at mga nasasakupan bago magpalabas ng desisyon.

Nauna rito, inanunsiyo ni Go na hindi na siya kakandidatong presidente dahil ayaw niyang maipit sa gitna.

Tumatakong bise presidente si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na katandem ni dating senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Matatandaan na binanatan ni Duterte si Marcos at tinawag na mahinang lider.

Tumanggi naman si acting presidential spokesperson Karlo Nograles na kumpirmahin kung susuportahan ng PDP-Laban ang tambalan nina Marcos at Duterte-Carpio.

Sinabi ni Nograles,­ ­executive vice president ng PDP-Laban na hintayin na lamang ang desisyon ng partido.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with