_ngayon
^

Bansa

Pagpapanatili ng apelyido sa pagka-dalaga pinagtibay sa Kamara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaprubahan na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas hinggil sa karapatan ng mga  kababaihan na panatilihin ang paggamit ng kanilang mga apelyido sa pagka-dalaga kahit ang mga ito ay kasal na.

Sa botong 227 pabor ay ganap na pinagtibay sa plenaryo ang House Bill (HB) 10459  na naglalayong amyendahan ang Article 370 ng Republic Act  (RA) 386 o ang mas kilala bilang New Civil Code of the Philippines.

Alinsunod sa nasabing panukalang batas, nilalayon nito na mabigyan ng pantay na karapatan ang mga kababaihan sa mga kalalakihan sa pamamagitan ng pagpapahintulot ng batas na huwag ng gamitin ng mga kababaihan ang apelyido ng kanilang mga mister.

Pinahihintulutan sa nasabing panukalang batas na mapanatili ng mga babae ang kanilang apelyido noong dalaga pa at mabigyan din ng opsyon ang mga kasal na kung anong apelyido ang nais ng mga itong gamitin.

Dito’y maaari ng mga itong gamitin ang kanilang apelyido sa pagka-dalaga at binibigyan din ng karapatan kung ang nais gamitin ay ang apelyido ng kanilang mga mister.

Tiwala naman ang mga mambabatas na hindi ito pagmumulan ng tampuhan at hindi pagkakaunawaan ng mga mag-asawa kung dadaanin sa maayos na usapan.

Inaasahan namang mapagtitibay ang nasabing panukala bilang batas para mabigyan ng pantay na karapatan ang mga kababaihan sa opsyon kung anong apelyido ang gagamitin ng mga ito matapos na makasal.

HOUSE BILL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with