_ngayon
^

Bansa

4-door policy inilatag vs Omicron

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpapatupad na ang gobyerno ng 4-door policy upang mapigilan ang pagpasok sa bansa ng Omicron variant ng COVID-19.

Sinabi ni Cabinet Secretary at acting presidential spokesperson Karlo Nograles na gumagana na ang 4-door policy na sasala sa mga international travellers.

Ituturing na unang pinto o door number 1 ang travel restrictions sa mga bansa na posibleng panggalingan ng Omicron variant.

Ang door 2 naman aniya ay ang quarantine at testing protocols na ginagawa sa mga international travellers na dumarating sa Pilipinas.

Samantala ang door 3 naman aniya ay ang patuloy na pagpapaalala sa mga local government units na pagpapatupad ng PDITR - Prevention, Detection, Isolation, Treatment and Reintegration.

Habang ang door 4 naman aniya ay ang local at granular lockdowns kung kinakailangang gawin, kung may mga surge na nakikita sa mga LGUs, sa mga barangays at sa mga purok.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with